Artist: Gloc-9 f/ Marc Abaya Album: Liham at Lihim Song: Tsinelas Sa Putikan Typed by: AZ Lyrics [Marc Abaya] Ilakad ang tsinelas sa putikan Humakbang kahit na mahirap Iyong mga paa'y madudumihan Palatandaan ng pagsusumikap Bumangon sa hamon Lalaban at hindi ka na papayag Magpa agos sa alon Sabay nating itataas ang layag Ilakad ang tsinelas sa putikan Humakbang kahit na mahirap Iyong mga paa'y madudumihan Palatandaan ng pagsusumikap Bumangon sa hamon Lalaban at hindi ka na papayag Magpa agos sa alon Sabay nating itataas ang layag [Gloc-9] Barong-barong, patong-patong Bulok na bahay, kalong-kalong Ng lupang 'di sa amin Sako-sakong dasal 'wag palayasin Halo-halong mga sana na nagka dikit-dikit Parang kapit mo sa gamit na nagka ilit-ilit Maniningil na pagkakulit-kulit Sa kakarampot mong naipon na nagkapunit-punit Lumang bente, singkwenta, maswerte kung isangdaan Para kang binenta pagkatapos ay dinaganan Ng kalang sinilaban, lutuang walang laman Kaliwa o pakanan, alam mo pa ba ang daan? Tinatapakan, pinupulaan Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang Maraming nakaharang kahit magsabing paraan Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan [Marc Abaya] Ilakad ang tsinelas sa putikan Humakbang kahit na mahirap Iyong mga paa'y madudumihan Palatandaan ng pagsusumikap Bumangon sa hamon Lalaban at hindi ka na papayag Magpa agos sa alon Sabay nating itataas ang layag [Gloc-9] Sawang-sawa ka na ba? Gusto mo nang magmura Sumigaw, umayaw Bumitaw kung baga Tila kumupas na'ng mga guhit-guhit Sa mga palad ang hiling ay hindi madinig-dinig Tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid Walang maaaning bunga kahit dilig ka ng dilig Kumandirit dahil baka may magising nakakahiya Bagkus humalagpos ang poste ng bahay at gumiba Kumayod na parang wala kang karapatang humiga Kumurap kahit na ayaw mong kapalan ang mukha Tinatapakan, pinupulaan Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang Maraming nakaharang kahit magsabing paraan Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan [Marc Abaya] Ilakad ang tsinelas sa putikan Humakbang kahit na mahirap Iyong mga paa'y madudumihan Palatandaan ng pagsusumikap Bumangon sa hamon Lalaban at hindi ka na papayag Magpa agos sa alon Sabay nating itataas ang layag Ilakad ang tsinelas sa putikan Humakbang kahit na mahirap Iyong mga paa'y madudumihan Palatandaan ng pagsusumikap Bumangon sa hamon Lalaban at hindi ka na papayag Magpa agos sa alon Sabay nating itataas ang layag